• Archive
  • RSS
  • Sige itanong mo
  • Submit
banner

Sana po hindi ako nagkamali sa pagpili ng Architecture. Please. Please. Please.

    • #arki
    • #ust
  • 2 days ago
  • 1
  • Permalink
  • Share
    Tweet
Tanggal na ang korona ni Corona.

Source: atergreen

    • #Impeachment Trial
    • #Corona
  • 2 days ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Patuloy ang Pangarap ni Angeline Quinto


Hindi to kantang pampatulog ko o kantang nagpapasaya sa akin. Ito yung Graduation Song namin. Nakallulungkot kasi wala namang umiyak sa amin habang kinakanta to ( maliban na lang sa isang lalaki ). Inaasahan ko kasi talagang may iyakan na magaganap. Abang na abang na nga ako kung sinu-sino ang mga iiyak, e. Pero gaya nga ng sabi ko, isang lalaki lang. Take note: LALAKI. Hindi ko alam kung naihi siya sa saluwal o ano, e. Wala talagang luhaan. Gusto ko na ngang tusukin mata ko maiyak lang. Apat na taon din kamming magkakasam sa High School at ang isiping hindi na ang mga dating mukha ang makikita sa susunod na pasukanay sadyang nakalulungkot. 

Pero mas nalulungkot pa din ako sa katotohanang hindi naging madrama ang pagtatapos namin sa kadahilanang maling kanta ang pinili nila. Hindi ako eksperto sa paghalukay ng kahulugan ng isang kanta, pero alam ko lang, maling kanta para sa isang pagtatapos ang Patuloy ang Pangarap.

Naalala ko nanaman tuloy yung Graduation Song namin nung elementary na pang-kasal…

Source: atergreen

    • #Graduation song
    • #Patuloy ang Pangarap
  • 2 days ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Those piercing eyes! Do I look like a beggar?!

-ang hirap kapag inis, e. napapaEnglish.

  • 3 days ago
  • 2
  • Permalink
  • Share
    Tweet
matabangutak:

Mico Banayo is a victim of vitriolage or acid violence purposef - purposely splashing someone with acid with malicious intent, injuring or disfiguring the person out of jealousy or revenge.


March 15 this year, a stranger who introduced himself as a mail man of a courier company came with a letter. And while he was singing to receive it, the man reportedly poured a bottle filled with acid on his face. He was rushed to the hospital and got initial treatment. 

Source: http://yurbanite.blogspot.com/2012/05/mico-banayo-love-and-hate.html
Pop-upView Separately

matabangutak:

Mico Banayo is a victim of vitriolage or acid violence purposef - purposely splashing someone with acid with malicious intent, injuring or disfiguring the person out of jealousy or revenge.
March 15 this year, a stranger who introduced himself as a mail man of a courier company came with a letter. And while he was singing to receive it, the man reportedly poured a bottle filled with acid on his face. He was rushed to the hospital and got initial treatment. 
Source: http://yurbanite.blogspot.com/2012/05/mico-banayo-love-and-hate.html

Source: matabangutak

  • 1 week ago > matabangutak
  • 169
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Cell phone

Ang cell phone ang pinakahinahangad ng bawat kabataan ngayon. Sino ba naman ang tatanggi kapag inalukan na ng magulang nang cellphone? Maliit, napakadaling gamitin, madaming pagpipilian at nakatutulong sa mabilisang komunikasyon. 

Oo. Tama. Nakatutulong ang cellphone. Pero sa kalabisan na ng modernisasyon ngayon, ang tulong ng cell phone ay sagad-sagaran na. Bubulwak na nga ang cell phone sa sobrang daming features na ipinapasok sa kanya. Hindi na ako magtataka kung balang araw, ref nalang ang kagamitan sa mga bahay.

Tapos na ang mga taon kung kailan ang cell phone ay para sa mga importanteng mensahe lang na kailangan ipaalam kaagad. Dahil ngayon, kahit sa bahay, kung gusto mong magpatulong sa homework sa iyong kapatid na nasa kabilang kwarto, pwede mo ng magawa ito ng hindi ka tumatayo at nakikipag-usap ng harapan sa kanya. Para naman sa mga lalaking torpe, matagal nang naslusyunan ang problema nila, dahil nagagawa na nilang manuyo at mang-uto sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensaheng puno ng mabubulaklak na salita at wagas na smiley. Hindi lang yan. Dahil kung gusto mong humingi ng tawad sa isang tao, hindi mo na siya kailangan lapitan, lumuhod at magmakaawa with matching luha. Dahil sa totoo lang, sa pelikula nalang nakikita ang lahat ng iyan. 

At aminin mo man o hindi, winawasak na ng cell phone ang pisikal na relasyon natin sa iba pang tao.

Unti-unti, hinuhabad ng cellphone ang esensiya ng pagiging tao. Pinipili na ng taong magkubli sa pagpapakitang emosyon. Isang bilanggong maituturing sa isang bagay na gawa mismo natin. Iyan tayo ngayon. Bukod pa doon, ilang taon pa ay wala na tayong pinagkaiba sa isang robot; salat sa damdamin. Mauungusan na ng cellphone ang personal na relasyong dapat sana’y namamagitan sa mga tao higit sa panahong kailangan natin makapiling ang mga mahal natin.

Source: atergreen

    • #cell phone
    • #anongpinaglalabanko?
  • 1 week ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Haha

Madalas panapos ng ‘di matuloy na usapan,

Ginagamit ng ilan para maiwasan ang iringan,

Minsan senyales ng kawalan ng katotohanan,

O ‘di kaya’y pampawala ng pamatay na kabagutan.

Source: atergreen

    • #haha
    • #pambatang tugmaan
    • #summer
  • 1 week ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Masarap kayang paghaluin ngayong summer ang Nestea at Fresh Milk para makabuo ng Freshness at Milk Tea?

Mga larawan galing sa Google

    • #fresh milk
    • #nestea
    • #sabaw
    • #summer
    • #lutang
  • 1 week ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet

Kapag pinapatalastas yung teaser ng Luna Blanca sa GMA 7, naaalala ko si Hekate ng The Secrets of the Immortal Nicholas Flamel

    • #Librow
    • #Nicholas Flamel
    • #Hekate
    • #Luna Blanca
  • 1 week ago
  • 2
  • Permalink
  • Share
    Tweet

A sad story

Naglalaro kami ni Pinsan A at B kahapon ng tagu-taguan. Isang 8 years old, isang 9. Narealize ko lang… Hindi na ako kasya sa aparador namin.

    • #sabaw
    • #tagu-taguan
  • 2 weeks ago
  • Permalink
  • Share
    Tweet
← Newer • Older →
Page 1 of 23

About

Greta. Quezon City, Philippines. 16.


Sa mundong ginagalawan mo, nandiyan ka ba talaga o nawawala ka din tulad ko?

Pages

  • page
  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Sige itanong mo
  • Submit
  • Mobile

Effector Theme by Carlo Franco.

Powered by Tumblr